Matandang babae natagpuang patay palutang lutang sa ilog ng Pikit North Cotabato

.
Isang 63 anyos na babae ang natagpuang wala ng buhay na palutang lutang sa isang ilog sa bayan ng Pikit North Cotabato kahapon ng hapon.
Kinilala ng kanyang mga kapitbahay ang naturang babae na si Aga Sanggalan ” Alias TERO” 63 anyos, walang asawa at pansamantalang nakatira sa Sitio Baliti barangay Fortpikit, at nakatira sa bayan ng Kabacan, Cotabato.
Walang nakitang pasa , galos o anumang bakas sa kanyang katawan na sinadya ang pagpatay sa biktima. Malaki ang paniniwala ng mga opisyales ng barangay na nalunod ang matandang babae, dahil malalim ang tubig abot leeg o ulo sa nabanggit na lugar.
Ayon sa salaysay ng kapit bahay na miembro ng radio group o BCN na kinilalang si Bcon #58 Barako station , kasapi rin ng TMU Pikit, noong isang gabi ay nakausap at nagbiruan pa sila ni alias Tero, mabait umano na matandang babae at palabiro. Kinuha rin ng kanyang mga kamag anak ang katawan ng matanda at iniuwi sa bayan ng Kabacan North Cotabato.( with report from Jessy Ali)

Facebook Comments