Isang wanted person ang naaresto sa isinagawang warrant service operation ng mga awtoridad sa lungsod bandang alas-10:44 ng umaga noong Hunyo 10, 2026.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Alaminos City Police Station sa pangunguna ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1 (RID PRO1).
Ang akusado ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Republic Act 7610 o *Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act*, batay sa Criminal Case No. 10422-A na may inirekomendang piyansa na ₱10,000.00, na inilabas ng Family Court ng Alaminos City, Pangasinan.
Matapos maaresto, dinala ang suspek sa City Health Office ng Alaminos City para sa medical examination, bago tuluyang isinailalim sa kustodiya ng Alaminos City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon sa pulisya, ang operasyon ay patunay ng kanilang patuloy na pagtupad sa mandato na maipatupad ang batas at masiguro ang agarang pagsilbi ng mga warrant of arrest laban sa mga wanted persons sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











