Monday, June 15, 2026

PBBM at Russian President Vladimir Putin, maghaharap sa ASEAN-Russia Summit

Mahalaga ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Russia sa susunod na linggo dahil tatalakayin dito ang mga usaping may direktang epekto sa enerhiya, seguridad sa pagkain at biosafety.

Sa pre-departure briefing sa Malacanang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Dominic Imperial, pangungunahan ni Pangulong Marcos ang ASEAN-Russia Commemorative Summit kasama si Russian President Vladimir Putin bilang ASEAN Chair ngayong taon.

Kasabay ng summit ang pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng relasyon ng ASEAN at Russia at ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia.

Ito rin ang unang pagbisita ng pangulo sa Russian Federation.

Tatalakayin ng mga lider ang pagpapalakas ng kooperasyon sa enerhiya, food security, agham at teknolohiya, kalakalan, pamumuhunan at iba pang larangan ng magkatuwang na interes.

Inaasahan ding pagtitibayin sa summit ang mga bagong plano at deklarasyon na magsisilbing gabay sa ASEAN-Russia cooperation sa mga susunod na taon.

Facebook Comments