Kabuuang ₱8 milyon na financial assistance ang ipinagkaloob ng sa 16 barangay sa Dagupan City para sa pagpapatupad ng installation ng solar street lights para sa seguridad at kalidad ng pamumuhay sa lungsod.
Pinondohan ang proyekto kung saan inilaan ang tig-₱500,000 sa bawat barangay para sa makapagbigay ng sapat na ilaw sa mga komunidad, lalo na ang mga lugar na nangangailangan ng dagdag na street lighting.
Kabilang sa mga benepisyaryong barangay ang Barangay I, II, III, IV, Bolosan, Bonuan Binloc, Carael, Caranglaan, Herrero Perez, Lasip Chico, Malued, Mamalingling, Mayombo, Poblacion Oeste, Pogo Grande, Pugaro, at Salisay.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang naturang proyekto ay hindi lamang nakatuon sa pagpapaliwanag ng mga kalsada kundi higit sa lahat ay para sa pagpapaigting ng kaligtasan, seguridad, at mas maayos na pamumuhay ng bawat Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










