
Nakahanda ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa posibleng epekto ng Super El Niño sa mga susunod na linggo.
Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno kasunod ng isinagawang pagpupulong katuwang ang iba’t ibang tanggapan.
Ayon sa alkalde, inatasan na niya ang mga department heads na tiyaking handa ang kanilang mga tanggapan para tugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Kabilang na rito ang ginagawang paghahanda ng Manila Health Department sa mga pasilidad, medical supplies, at maagang monitoring upang maagapan ang mga posibleng sakit na epekto ng matinding init.
Samantala, inatasan din ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) na paghandaan ang posibleng kakulangan sa supply ng tubig.
Habang pinag-aaralan din ng lokal na pamahalaan ang ibang paraan para maiwasan ang madalas na pagkansela ng mga klase dulot ng mainit na panahon.










