Wednesday, May 20, 2026

MATINDING INIT AT DAGDAG-GASTUSIN, PINAGHAHANDAAN NG MGA PAMILYA SA DAGUPAN PARA SA PASUKAN

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo kasabay ng maalinsangang panahon sa araw-araw, paano nga ba naghahanda ang mga magulang at estudyante sa nalalapit na pagbubukas ng klase dito sa Dagupan City?

Habang papalapit ang enrollment kasabay ng maalinsangang panahon, unti-unti nang dumidiskarte ang ilang pamilya sa paghahanda ng mga school supplies, baon, at iba pang pangangailangan ng mga estudyante sa bagong school year.

Ayon kay Ranne Nones, isang tricycle driver sa Barangay Pantal, maaga na umano siyang nagtatabi ng kita upang matiyak na may maipangtutustos sa pag-aaral ng kaniyang mga anak.

Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pagtitipid sa konsumo ng kuryente at iba pang gastusin sa bahay upang mapagkasya ang budget para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Abala na rin ang mga estudyante sa paghahanda para sa nalalapit na pasukan lalo na sa maalinsangang kwadrado ngayong tag-init.

Sa kabila ng pagtaas ng pamasahe at presyo ng mga bilihin, nagsisikap pa ring mag-ipon at dumiskarte ang ilang kabataan upang makatulong sa kanilang gastusin dagdag na rin sa pag bili ng mga portable fans.

Isa na rito si incoming Grade 12 student Edward De Vera na naghahanap ng dagdag kita habang hinihintay ang pagbubukas ng klase.

Sa kabila ng mga hamon sa gastusin at matinding init ng panahon, nananatiling pursigido ang mga Dagupeño na maihanda ang kanilang mga anak para sa edukasyon at mas magandang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments