Monday, July 27, 2026

Tanggapan ng DOJ sa Maynila, binulabog ng pagsabog kaninang madaling araw

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang lumabas na ulat na nagkaroon ng pagsabog malapit sa entrance nito sa Padre Faura Street sa Ermita, Maynila.

Sa inilabas na pahayag ng DOJ, nangyari ang pagsabog ganap na alas-12:17 ng madaling araw kanina kung saan isang improvised explosive device ang ginamit.

Wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Explosive Ordnance Disposal sa insidente.

Hindi pa rin matukoy kung saan o sino ang responsable nito maging ang motibo sa ginawang pagpapasabog.

Sa kasalukuyan, bantay sarado na ng mga pulis at security personnel ang labas at loob ng DOJ.

Kasabay nito, pinapaalalahanan ng mga otoridad ang publiko na magtutungo sa DOJ maging ang mga emplyedo na maging mapagmatyag at i-report sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang tao o bagay na makikita.

Facebook Comments