Mas pinipili ng ilang estudyante sa Dagupan City ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan kaysa maglakad papunta sa kanilang mga destinasyon dahil sa matinding init ng panahon.
Ayon sa ilang estudyante, nahihirapan silang maglakad sa ilalim ng tirik na araw kaya malaking tulong ang pampublikong transportasyon upang mabawasan ang kanilang pagkabilad sa init.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Sebastian Armamento, isang estudyante, sinabi nitong napipilitan siyang sumakay sa pampublikong sasakyan dahil sa mataas na temperatura.
Aniya, hindi na niya gaanong iniinda ang pagbabayad ng pamasahe dahil nauunawaan niya ang kalagayan ng mga tsuper, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo.
Dagdag pa ni Armamento, malaking tulong ang pampublikong transportasyon sa mga estudyanteng tulad niya upang maiwasan ang hirap at pagod sa paglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Samantala, pinapayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng matinding init. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










