100 MUNGGO PRODUCERS SA VILLASIS,BINIGYAN NG BINHI PARA SA TAG-INIT

Tumanggap ng binhi ng munggo ang 100 magsasaka sa Villasis, Pangasinan para mapakinabangan sa kanilang pagtatanim ngayong dry season.

Tinukoy na mga benepisyaryo ang munggo producers mula sa apat na barangay ng bayan kabilang ang Capulaan, Unzad, Labit at La Paz.

Alinsunod ang pamamahagi sa High Value Crops Development Program ng Department of Agriculture–Regional Field Office 1 o DA-RFO 1.

Ayon sa lokal na pamahalaan, target niting suportahan ang produksyon ng munggo, na itinuturing na alternatibong pananim sa panahon ng tagtuyot dahil sa kakayahan nitong makayanan ang kakulangan sa tubig at maikling panahon bago anihin.

Inaasahang makatutulong ang interbensiyon sa mga magsasaka ngayong dry season sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments