Nangangamba ang mga magsasaka sa Barangay San Vicente, Urdaneta City sa posibleng kakulangan ng tubig para sa kanilang mga pananim kapag tumindi ang epekto ng El Niño.
Ayon sa ilang magsasaka sa barangay, hindi pa rin nawawala ang kanilang pangamba sa kakulangan ng tubig sa kabila ng pagiging malapit nila sa San Roque Dam, dahil umaasa ang kanilang mga pananim sa suplay ng tubig mula sa irigasyon.
Batay sa kanilang karanasan sa mga nakaraang taon, nag-iipon na lamang sila ng tubig-ulan gamit ang mga pang-imbak upang magkaroon ng magagamit na tubig para sa kanilang mga pananim sa panahon ng tag-init.
Samantala, ayon sa Barangay San Vicente, kadalasang nahihinto o nawawalan ng suplay ng tubig sa irigasyon kapag mainit ang panahon, kaya napipilitan ang mga magsasaka na umasa sa pag-ulan upang madiligan ang kanilang mga pananim.
Dahil dito, nag-aalala ang mga magsasaka sa posibleng epekto ng kakulangan ng tubig sa kanilang mga pananim at kabuhayan, lalo na kung lalo pang titindi ang init at hindi sasapat ang pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










