Thursday, July 16, 2026

Mahigit 300 kontrata sa renewable energy, inaprubahan ng pamahalaan

Mahigit 300 kontrata para sa renewable energy ang naaprubahan ng gobyerno mula 2022 hanggang ngayong taon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, patunay ito ng patuloy na pagtutok ng administrasyon sa pagpapalawak ng pamumuhunan sa renewable energy sa bansa.

Sinabi ni Castro na kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapatupad ng 10-Year Green Energy Auction Program upang makahikayat ng mas maraming renewable energy projects.

Layunin ng programa na madagdagan ang kapasidad ng renewable energy ng bansa hanggang 2035.

Target din ng gobyerno na itaas sa halos 40% ang bahagi ng renewable energy sa kabuuang power mix ng Pilipinas pagsapit ng 2040.

Facebook Comments