Thursday, July 16, 2026

MMDA, maglalabas ngayong araw ng show cause order vs Gabriel Go sa viral video ng hinuling guro

Pagpapaliwanagin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) Head Gabriel Go matapos kumalat ang viral video ng paghuli at umano’y pamamahiya nito sa isang guro na kaniyang sinita dahil sa traffic violation.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, maglalabas sila ngayong araw ng show cause order para pagpaliwanagin si Go kaugnay ng naturang insidente.

Nilinaw rin ni Artes na hindi naman sinibak si Go sa puwesto at hindi lamang siya pasasamahin sa mga operasyon laban sa mga pasaway na motorista habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Una nang umani ng samu’t saring reaksiyon ang viral video at nanawagan pa si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio kay Artes na sibakin sa puwesto si Go.

Facebook Comments