
Posible na rin umanong magsagawa ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ng review sa polisiya ng distribution utilities at iba pang industry stakeholders kasunod ng mga reklamo ng sobrang taas ng singil sa kuryente.
Unang nagpahayag ng suporta ang DOE sa resolusyon ng Senado para sa isasagawang legislative inquiry dahil sa “bill shock” at patuloy na mataas na singil sa kuryente sa bansa.
Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, tanggap nila ang planong pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senado dahil na rin sa dumaraming reklamo ng napakataas na singil ng kuryente sa bansa.
Ang hakbang ng Senado ay bunsod ng dumaraming reklamo laban sa Manila Electric Company (Meralco) ukol sa umano’y hindi malinaw na billing at maling meter reading.
Kasabay nito, plano rin ng DOE at ERC na magsagawa ng review sa umiiral na regulatory framework at matuloy ang kaukulang polisiya para mapaganda pa ang serbisyo ng mga energy payers at maprotektahan ang mga electricity consumers.










