
Binigyang-diin ng defense counsel ni VP Sara Duterte na nasa pag-assess ng Impeachement Court ng Senado at hindi sa magkabilang partido kung nagkaroon man ng umano’y “bias” sa imbestigasyon na ipinrisenta sa impeachment trial.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng tanong sa posibleng pagkakaroon ng bias dahil sa nakatutok lang sa banta sa Presidente ang imbestigasyon at hindi sa Bise Presidente.
Ayon kay Atty. Michael Poa, maestablish man ng depensa na nagkaroon ng bias sa imbestigasyon ,aniya wala sila sa posisyon na masabi ito sa media dahil unfair naman ito sa prosekyusyon.
Binigyang-diin pa nito na sila ay sumusunod lamang sa rules of impeachment at sinabing dapat base sa appreciation ng impeachment court at senator-judges kung ano ang na-establish o hindi.
Samantala, dagdag pa ni Poa na ang umano’y isyu sa pagiging bias ay importante dahil maaaari itong makaapekto sa imbestigasyon.










