Pormal nang bubuksan bukas, Nobyembre 27, 2026, ang pinakaaabangang Pailaw sa Plaza na gaganapin sa San Carlos City Plaza, Pangasinan ganap na alas-singko ng hapon.
Tampok sa nasabing aktibidad ang makukulay at naggagandahang mga ilaw at Christmas decorations na inaasahang magbibigay ng mas maliwanag at masayang kapaligiran sa plaza bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Inaanyayahan naman ang publiko, partikular ang mga kababayan, na dumalo at makiisa sa nasabing pagbubukas upang sama-samang masaksihan ang pagpapailaw at mas damhin ang diwa ng Pasko.
Bahagi ang aktibidad na ito ang mga paghahanda upang higit na maging makulay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








