Natagpuang wala nang buhay ang isang 15-anyos na binatilyo matapos itong malunod sa ilog sa Brgy. Songkoy, Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Calasiao, noong Hulyo 5 ng hapon ay iniulat umano sa mga awtoridad ang insidente ng pagkalunod sa naturang ilog.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad at mga residente ngunit hindi natagpuan ang biktima.
Kinabukasan na lamang umano nang matagpuan ng search and retrieval team ang katawan ng menor de edad.
Kasunod ng insidente, nagpaalala sa publiko ang mga awtoridad na huwag hayaang maligo sa ilog o anumang anyong tubig ang kanilang mga anak kung hindi marunong lumangoy para maiwasan ang kaparehong trahedya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







