MGA ESTUDYANTE SA ISANG UNIBERSIDAD SA DAGUPAN CITY, MAAGANG PINAUWI DAHIL SA UMANO’Y “MALICIOUS MESSAGE”

Maagang pinauwi ang mga estudyante sa isang unibersidad sa Dagupan City matapos ang umano’y “malicious message” laban sa paaralan noong Hulyo 6 ng hapon.

Batay sa social media post ng naturang paaralan, nagpatupad ang pamunuan ng maagang dismissal alas-3 palang ng hapon dahil sa umano’y banta ng trapiko sa unang araw ng klase.

Gayunman, isiniwalat din ng pamunuan na nakatanggap ito ng “malicious message” laban sa kampus, dahilan upang magsagawa sila ng “precautionary security measures”.

Ayon sa Dagupan City Police Office (DCPO) Police Station 1, agad umanong ininspeksyon ang buong kampus katuwang ang paaralan, at walang natuklasang anumang kahina-hinala.

Iginiit ng pamunuan na naisagawa na ang mga hakbang para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat habang nakatakda nang muling bumalik sa normal ang klase ngayong araw.

Patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang aming himpilan para sa detalye ng pinagmulan ng umano’y banta sa kampus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments