Sa pagtutulungan ng LGU, Municipal Nutrition Office at Municipal Health Office, namahagi ng dietary supplements sa mga benepisyaryo upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng mga buntis at ng kanilang dinadalang sanggol.
Bukod sa pamamahagi ng mga suplemento, nagsagawa rin ng serye ng health education lectures na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga ina tungkol sa wastong pangangalaga sa kalusugan.
Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng First 1,000 Days ng sanggol, 10 Kumainments, pagbabakuna, family planning, at birth registration.
Naging resource speaker sa naturang aktibidad si Mr. Lenard Gubatan mula sa Department of Health (DOH).
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy nitong isinusulong ang mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








