
Hindi obligado si Vice President Sara Duterte na dumalo sa impeachment trial nito sa Lunes, July 6.
Ito ang inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian, sa kabila ng notice na ipinadala nila sa bise presidente para humarap ito sa pagsisimula ng paglilitis.
Ayon kay Gatchalian, ito ay dahil magsasagawa rin sila ng arraignment-like procedure kung saan pahaharapin ang bise presidente para basahin ang mga kaso laban sa kanya.
Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na nakasaad sa kanilang rules na pinapayagan ang kinatawan o abogado ni VP Sara na dumalo sa ganitong proseso.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na tuloy-tuloy ang kaniyang paghahanda bilang presiding officer at bilang senator-judge kung saan patuloy niyang pinag-aaralan ang mga rules gayundin ang mismong merito ng kaso.










