
Pinatatag ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang ugnayan sa komunidad at pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng Law Enforcement and Community Coordinating Service (PROLECCS) Seminar na isinagawa sa Buklod Diwa Hall, ABF West, Poblacion Oeste, Dagupan City.
Dumalo sa aktibidad si Atty. Philip Raymund S. Rivera, Chairman ng Police Regional Appellate Board 1 at Provincial Officer ng NAPOLCOM Pangasinan, kasama ang iba pang kinatawan ng National Police Commission.
Ayon sa DCPO, kabilang sa mga tinalakay ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga law enforcement agency para sa pagpapatupad ng batas.
Sa pamamagitan ng PROLECCS, isinusulong ang mas matibay na ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa pagsusulong ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










