Thursday, May 21, 2026

House prosecution panel, handa sa nakatakdang pagsisimula ng impeachment trial

Nagpapasalamat ang House Prosecution Panel na may itinakda ng mga petsa ang Senate Impeachment Court para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Mensahe ito ng isa sa 11-miyembro ng House Prosecution Team na si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, makaraang ihayag ni Senator Erwin Tulfo na batay sa tinalakay sa kanilang caucus ay sa Hulyo 6 magsisimula ang paglilitis kay VP Sara.

Bunsod nito ay tiniyak ni Ridon na handa ang House prosecution panel na magpresenta ng ebidensiya sa mga itinakdang petsa ng impeachment trial.

Binanggit naman ni House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong na wala pa silang pormal na abiso na natatanggap mula sa Impeachment Court hinggil sa schedule ng mga proseso ukol sa impeachment trial.

Sinegurado naman ni Adiong na handang handa na ang 11-member prosecution panel sa kahit anong schedule na ilalatag ng Impeachment Court.

Facebook Comments