
Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PIO Col. Allen Rae Co, na hindi na muna sila magbibigay pa ng iba pang pahayag kaugnay ng kaso ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa ngayon.
Aniya, ito ay para hindi makompromiso ang integridad ng nagpapatuloy na imbestigasyon at operasyon ng pulisya kaugnay ng nasabing kaso.
Tiniyak naman ni Co sa publiko at sa media na magbibigay ang PNP ng transparent at komprehensibong ulat sa tamang channels at panahon.
Tumanggi naming sagutin ng Bagong PIO Chief ang tanong kung desisyon ng PNP na huwag magbigay ng update tungkol sa nasabing usapin.
Facebook Comments










