Saturday, May 23, 2026

Pagsasampa ng reklamo laban kay Sen. Robinhood Padilla, posible ayon sa isang senador

Posible umano ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Senator Robinhood Padilla matapos na tulungan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC).

Matatandaang si Padilla ang kasama ni Dela Rosa nang lumabas ng gusali ng Senado noong Huwebes ng madaling araw matapos ang nangyaring shooting incident.

Ayon kay Senator Ping Lacson, hindi maaaring magsimula ng sariling imbestigasyon ang mataas na kapulungan kung walang nakasampang reklamo laban kay Padilla.

Kailangan aniya na mayroong maghain ng complaint na sufficient ang form at substance para umandar ang proseso ng pagimbestiga ng Ethics Committee.

Ganito aniya ang proseso sa kahit na sinong senador na gustong ireklamo.

Sinabi pa ni Lacson na mas mainam kung sibilyan ang magsasampa ng reklamo dahil kung senador ang maghahain nito ay kailangan niyang mag-inhibit sa kaso.

Facebook Comments