Ipinatawag na ng Department of Justice (DOJ) Task Force on Anti-Illegal Drugs ang mga akusado sa P1.8 billion shabu shipment.
Sa subpoena na pirmado ng panel of prosecutors, pinadadalo sa July 5 ang respondents sa pangunguna ni Xu Zhi Jian alyas Jacky Co at iba pang akusado sa paglabag sa Section 4 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang naturang kaso ay unang inihain ng PDEA laban sa grupo ni Xu.
Inatasan din ng panel ang mga akusado na maghain ng kanilang mga kontra salaysay sa July 5, sa halip na motion to dismiss.
Unang nasabat ang 276 kilos ng shabu noong March 22 kung saan naka-consign ito sa Wealth Lotus Empire Corp.
Facebook Comments