
Personal na nakiramay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga naiwang kaanak ni National Artist at Superstar na si Nora Aunor.
Kagabi, bumisita ang First Couple sa burol ng yumaong aktres sa Heritage Park sa Taguig City kasama si Communications Secretary Jay Ruiz.
Sinalubong ang First Couple ng mga anak ni Nora Aunor na sina Matet de Leon at Lotlot de Leon, gayundin ng ilang mga batikang aktor tulad nila Tirso Cruz at Imelda Papin.
Sa kaniyang mensahe ng pakikiramay, kinilala ng pangulo ang naging maningning na karera ni Ms. Nora Aunor sa sining na magsisilbing pamana ng bansa sa susunod na henerasyon.
Hinimok din ng pangulo ang lahat na ipanalangin ang walang hanggang kapahingahan ng kaluluwa ng Pambansang Alagad ng Sining.