Mga bagong gumaling sa COVID-19 sa PNP, mas marami kumpara sa mga bagong kaso 

66

Sa bibihirang pagkakataon, mas mataas ngayon ang bilang ng mga bagong gumaling kumpara sa mga bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa tala ng PNP Health Service, 550 ang mga bagong gumaling sa COVID 19 sa PNP.

Habang 331 naman ang bago nilang bilang ng mga nagkasakit.


Samantala, wala naman nadagdag sa mga nasawi sa kanilang hanay kaya nananatili pa rin ang bilang ng mga ito sa 125.

Sa kabuuan ng pandemya, 46, 049 PNP personnel na ang mga nagkasakit ng COVID-19.

Facebook Comments