Wednesday, August 19, 2026

Mga baril na ginamit ng CICL na nasa likod ng shooting incident sa Zamboanga City, nakuha nito sa loob ng sasakyang pinanghatid sa kanya —SILG Remulla

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na nakuha ng Child in Conflict with the Law (CICL) ang mga baril mula sa gun bag na iniwan ng tatay nito sa loob ng kanilang sasakyan na naghahatid sa kanya sa isang pribadong paaralan sa Zamboanga City.

Nabatid na ang nasabing CICL ang nasa likod ng shooting incident sa nasabing lugar na ikinasawi nito at ng isang Grade 10 na estudyante.

Ayon kay Remulla, mayroong 15 security guards ang nasabing pribadong paaralan na naka-duty noong umaga na iyon.

Ang sistema sa nasabing paaralan ay iniinspeksyon lamang sa gate ang mga bag ng mga dumadaan mismo sa pedestrian, habang ang mga nakasakay sa sasakyan ay hindi na kinakapkapan, kung kaya’t nakapasok ang nasabing mga armas.

Giit ni Remulla, bilang isang uniformed personnel, dapat na alam nito na hindi puwedeng iwanan ang mga baril basta-basta dahil kasama ito sa kanilang training sa gun safety and safekeeping.

Kung saan sinabi pa nito na dapat ang turing sa baril ay parang isang asawa na hindi iniiwan.

Kaugnay nito, sinabi umano ng tatay ng CICL na walang kasanayan sa paggamit ng baril ang anak nito.

Facebook Comments