
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.
Sa datos na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), umabot na sa P699.78 milyon ang humanitarian assistance na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente.
Samantala, 313 evacuation centers ang nananatiling bukas para sa 6,338 pamilya na lumikas dahil sa epekto ng masamang panahon.
Ayon pa sa PCO, may P4.83 bilyong relief resources na available para sa patuloy na pagtugon at paghahatid ng ayuda sa mga komunidad na nangangailangan.
Facebook Comments










