
Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na napapabayaan niya ang ilan niyang tungkulin bilang co-executor ng estate ng pamilya Marcos dahil abala siya sa kanyang trabaho bilang pangulo.
Sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Presidential Luncheon, sinabi ni Marcos na hindi siya dumadalo sa mga pagpupulong tungkol sa estate at hindi niya ito pinaglalaanan ng oras.
Mas mahalaga aniya ang mga usapin ng estado at pamamahala kaysa sa usaping pamilya.
Dahil dito, ipinauubaya na ng pangulo sa kanyang mga legal adviser ang pag sagot sa usapin
Kasama ni Pangulong Marcos bilang co-executor ng estate ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.
Ang estate ay naiwan ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Noong 1999, inatasan ng Korte Suprema ang mga tagapagmana ng Marcos estate na magbayad ng tinatayang P23 bilyong estate taxes.
Dahil sa mga penalty at interes, lumobo umano ito sa P203 bilyon.










