Tuesday, August 18, 2026

Mendoza at Guadiz, inisyuhan ng preventive suspension ng Ombudsman

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang agarang pagsuspinde ng anim na buwan, nang walang sweldo, kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza II at Office of Transportation Cooperatives Chairperson Teofilo Guadiz III.

Ito ay dahil sa umanoy patuloy na paggamit ng STRADCOM-operated Land Transportation Office (LTO) information technology system noong sila pa ang Chief ng LTO, kahit pinalitan na ito ng Land Transportation Management System o LTMS noong 2021.

Nagresulta ang patuloy na paggamit nito ng P13.3 billion computer fees mula 2019 hanggang 2025 ayon sa Commission on Audit, na naipapasa umano sa mga motorista.

Sa findings ng Office of the Ombudsman, isinulong di umano ni Guadiz ang paggamit ng lumang system, habang noong 2023 naman ay ilang memorandum umano ang inilabas ni Mendoza para magamit ang STRADCOM system kasabay ng LTMS.

Matatandaang tapos na noong February 2013 ang 10 taong kontrata ng gobyerno sa STRADCOM para sa pagtatatag at pag-operate ng computer systems na ginagamit sa pagpoproseso ng mga transaksyon sa mga tanggapan ng LTO sa buong bansa.

Facebook Comments