
Sinibak sa pwesto ang dalawang senior officials ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Castro ang dalawang opisyal at wala ring ibinigay na detalye kung ano ang naging dahilan ng kanilang pagtanggal.
Ang DICT ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpaplano at pagpapaunlad ng information and communications technology sa bansa.
Facebook Comments










