Pormal nang binuksan noong Mayo 21 ang pickleball courts ng isang sports center sa loob ng mall sa Urdaneta City.
Araw-araw nang bukas ang mga court mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi para sa bookings at laro. Maaari ring magpareserba at magbayad gamit ang online sports application.
Kasabay nito, magsasagawa rin ng libreng “open play” ngayong Mayo 22, Biyernes, mula alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi. Unang 24 na players lamang ang tatanggapin sa aktibidad.
Pinapayuhan ang mga kalahok na magdala ng sariling paddle at dumating nang mas maaga para sa check-in at court preparation.
Nasa ₱250 kada oras ang bayad sa daytime play habang ₱350 kada oras naman sa night schedule. Layunin ng pasilidad na palawakin pa ang recreational at sports activities sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






