Thursday, May 21, 2026

Panukalang ideklara ang araw ng Eleksyon bilang “regular non-working holiday,” lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 8392 o panukalang ideklara ang araw ng Eleksyon sa bansa bilang isang “regular non-working holiday.”

Kasama dito ang mga special “electoral activities” tulad ng plebiscites, referendums, people’s initiatives, recall elections at special elections

Ayon kay 4Ps Party-list Rep. JC Abalos, na miyembro ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, layunin ng panukala na mas maraming mga kababayan natin ang makaboto na hindi kailangang isakripisyo ang kanilang trabaho o sweldo.

Sa ngayon, ang araw ng halalan ay karaniwang special non-working holiday lamang na idinedeklara sa pamamagitan ng Presidential proclamation.

Batay sa Labor Code ay 30% na dagdag lang sa sweldo ang makukuha ng mga mga manggagawa na papasok sa trabaho tuwing may eleksyon at ang hindi papasok ay hindi mababayaran.

Facebook Comments