Mga botante, hindi obligadong magpa-booster shot para makaboto

127

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi requirement ang vaccination cards o booster shots kontra COVID-19 para makaboto sa halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Commission on Elections Commissioner George Garcia, labag sa batas na hingan ng vaccination cards ang mga botante.

Wala rin aniyang batas para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.


Constitutional right aniya ng bawat Pilipino ang pagboto.

Nilinaw ni Garcia na fake news ang mga kumakalat sa social media na kailangan ng booster shots ng mga botante para makaboto

Facebook Comments