
Ipatutupad ang yellow alert status sa Visayas grid ngayong Biyernes.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilalagay ang grid sa Yellow Alert bandang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Kabilang sa mga nakaapekto sa supply ang pagkawala ng operasyon ng malalaking coal plants na PEDC Unit 3 at KSPC Unit 1, gayundin ang limitadong power import mula Mindanao dahil sa unplanned outage ng FDC Unit 3 at planned outages ng GNPK Unit 4 at TSI Unit 2.
Ayon sa NGCP, nagkakaroon ng yellow alert kapag hindi sapat ang operating margin ng system upang matugunan ang kinakailangang contingency requirement ng transmission grid.
Facebook Comments










