Monday, November 23, 2026

Pagsasapubliko ng depensa ng BIR audit letter, kinuwestyon ng prosecution

Screenshot from Senate of the Philippines/YouTube

Kinuwestyon ng House Prosecution ang pagpresenta ng defense lawyer sa impeachment trial ng Bureau of Internal Revenue (BIR) letter of authority na ini-isyu kina Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay House Prosecutor at Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores, hindi nila makita layunin at koneksyon ng nabanggit na dokumento sa mga tanong ng abogado ng depensa sa testigong si BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez.

Sa paglilitis ay kinumpirma ni Marquez ang pag-iisyu ng LOA para sa pag-audit ng mga tax records ng mga mag-asawang Duterte-Carpio pero hindi niya ito idinetalye.

Sa tingin ni Flores, wala naman naitulong ang pag-tatanong ng depensa sa testigo mula sa BIR para linawin ang kita at halaga ng yaman ni VP Duterte.

Para naman kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, hindi naipagtanggol ng abogado ng depensa ang financial records ng mag-asawang Duterte-Carpio at sa halip ay nagmistulang tax orientation ang cross examination nito sa testigo.

Facebook Comments