Mga dapat gawin bago tumama ang bagyo, ipinaalala ng OCD

Muling nagpaalala ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko hinggil sa mga dapat gawin bago tumama ang malakas na bagyo.

Payo ng OCD, alamin ang balita hinggil sa lagay ng panahon at mga anunsyong pangkaligtasan.

Alamin din ang plano ng komunidad sa paglikas dahil sa baha.


Mas mainam na i-secure na rin ang mga mahahalagang kagamitan sa mas mataas na lugar at tiyaking ligtas ang tahanan.

Huwag ding kakalimutan ang emergency kit at pagkain.

Sakali namang kinakailangan nang lumikas:

Isarado ang main switches ng kuryente, tubig at tangke ng LPG at wag kakalimutang ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar.

Facebook Comments