Friday, October 23, 2026

Pag-recall o pagbawi sa inaprubahang bersyon ng Kamara na 2027 national budget, hindi na kailangan ayon sa ilang senador

Hindi na kailangan ang pag-recall o pagbawi ng Kamara sa bersyon nila ng inaprubahang 2027 General Appropriations Bill (GAB) para iwasto ang ilang mga probisyon.

Ito ang iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian matapos na ipanawagan ng Makabayan bloc sa Kamara na i-recall ang ipinasang 2027 national budget dahil ilan sa mga idineklarang unconstitutional ng Supreme Court sa 2024, 2025 at 2026 budget ay makikita sa 2027 GAB.

Ayon kay Gatchalian, hindi na kailangan na gawin pa ng Kamara ang pag-recall sa pambansang pondo dahil nasa yugto na sila ng consolidation sa technical working group.

Dito aniya ay pwedeng ang mga senador na ang gagawa ng correction o pagwawasto sa budget para hindi na rin ma-delay ang proseso.

Sinabi pa ng Senate president na hindi naman ganoon kalaki ang correction na kanilang gagawin sa 2027 budget.

Samantala, tulad ni Finance Committee Chairman JV Ejercito, nagbabala rin si Senator Ping Lacson na maaaring humantong sa re-enacted budget kung babawiin ng Kamara ang bersyon nito.

Iminungkahi ni Lacson na iparating sa kanilang mga kasamahan sa Kamara na magiging miyembro ng bicameral conference committee kung anu-ano ang mga maling probisyon at maaari itong ayusin sa mismong bicam.

Facebook Comments