Mga gasolinahan sa EDSA, susunod sa MMDA na maglagay ng tent para sa mga motorista

Tatalima ang ilang mga gasolinahan sa EDSA sa pakiusap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng tent para sa mga motoristang sisilong tuwing uulan.

Paliwanag nila, may espasyo na sila para sa mga motorista, tent na lang mula sa MMDA ang kanilang hinihintay para sa pagse-set up nito.

Nabatid na tuloy na sa Agosto ang paniniket at pagmumulta ng P500.00 sa mga motorcycle rider na sisilong sa ilalim ng overpass at tulay tuwing umuulan.


Base sa record ng MMDA, nasa average na 165,652 motorcycles ang dumadaan sa EDSA mula January 2023 hanggang July 2023.

Facebook Comments