Tuesday, April 28, 2026

Iba’t ibang grupo, nagkasa ng protesta sa Maynila bilang pagkondena sa gulong sinimulan ng Amerika

Muling nagkasa ng kilos-protesta at programa ang iba’t ibang grupo sa Maynila bilang panawagan at pagkondena sa ginawa umano ng puwersa ng United States sa Iran.

Ayon sa mga nagprotesta, ang hakbang ng Amerika ay nagdulot ng malalang problema sa Pilipinas at maging sa iba pang bansa.

Pinangunahan ang aktibidad ng Youth for Justice and Peace kasama ang iba pang koalisyon.

Mariing kinondena ng grupo ang gulong sinimulan umano ng Amerika at Israel laban sa Iran, na sinasabing naging dahilan ng pagkasawi ng mga inosente at krisis na nararanasan sa iba’t ibang bansa.

Giit nila, hindi makatarungan ang marahas na hakbang ng Amerika kung saan nadadamay ang mga inosente at ordinaryong mamamayan.

Nanawagan din sila na paalisin ang tropa ng Amerika sa bansa dahil umano sa posibilidad na madamay ang Pilipinas sa lumalawak na kaguluhan.

Facebook Comments