
Iuulat ni Senate President pro-tempore Ping Lacson ang Chairman’s Progress Report kaugnay ng pagdinig sa maanomalyang flood control projects sa pagbabalik-sesyon sa May 4.
Ayon kay Lacson, idadaan niya ang presentasyon ng Chairman’s Progress Report sa pamamagitan ng privilege speech at hindi na niya kailangang konsultahin ang ilang miyembro ng Blue Ribbon Committee na tumangging lumagda sa partial committee report.
Magsisilbi aniya itong daan upang maipagpatuloy ang mga pagdinig sa isyu ng flood control.
Kapag naihain na sa plenaryo ang Chairman’s Progress Report na naglalaman ng partial report, maaari na nila itong ibahagi sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman.
Mayroon pa lamang anim na lumagda sa partial committee report at kulang pa ng tatlo upang makakuha ng sapat na pirma bago magsesyon sa susunod na linggo.










