Monday, November 23, 2026

Mga hakbang ng NBI laban kay Vice President Sara Duterte, itinuturing ng pangalawang pangulo na nakakabahala

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang loteng ipinakita sa isang larawan ay nakasaad sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President, sinabi ni Duterte na hindi kanya ang naturang lote at iginiit na nakalilinlang umano sa publiko ang naturang alegasyon.

Nangangamba rin ang bise presidenre dahil ginagamit umano ang mga operasyon ng NBI sa mga gawaing aniya’y walang malinaw na pakinabang sa publiko.

Ayon pa kay Duterte, ang umano’y paggamit ng mga kuwestiyonableng ebidensiya ang dahilan kung bakit inalis ang NBI sa listahan ng mga testigong ihaharap ng prosekusyon sa impeachment proceedings tulad ng affidavit ni Rodulfo Gracioso.

Binigyang-diin pa ng Bise Presidente na kung pondo ng taumbayan ang ginagamit sa pagpapatakbo ng isang ahensiya ng pamahalaan, dapat umanong matiyak na ang bawat hakbang nito ay naaayon sa batas, nakabatay sa katotohanan at nagsisilbi sa interes ng sambayanan.

Facebook Comments