Nagsibalikan na ang mga tsuper ng jeep na tumigil sa pamamasada noong mga nakaraang linggo matapos sumipa sa halos ₱150 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Ayon kay Wilfredo Cano, vice president ng Mabini-Divisoria-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association (MDBAJODA), lahat na ng kanilang miyembro ay bumalik sa pamamasada.

Aniya, ilan sa mga tsuper noon ay naghanap muna ng ibang pagkakakitaan dahil wala nang kinikita sa pamamasada.

Habang ang iba naman ang hinabaan na lamang ang oras sa pamamasada para kahit paano ay kumita.

Pero kahit bumaba na ang presyo ng diesel ay hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng mga tsuper ng jeep na pansamantala munang tanggalin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa petrolyo.

Ito ay dahil sa mataas pa ring presyo ng mga bilihin.

Ngayong araw, ipinatupad ng mga kompanya ng langis ang ₱13 na bawas sa presyo ng diesel pero may pagtaas naman sa gasolina na ₱0.50.

Facebook Comments