Saturday, September 19, 2026

Office of the Vice President, nagbabala laban sa mga nagpapanggap sa social media gamit ang opisina ng bise presidente

Nagbabala ang Office of the Vice President o OVP laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na kinatawan o opisyal ng kanilang tanggapan gamit ang social media at messaging applications.

Ayon sa OVP, may isang indibidwal na gumagamit ng pangalan ni OVP Chief of Staff Zuleika T. Lopez upang makipag-ugnayan sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Dahil dito, pinayuhan ng OVP ang publiko na maging mapanuri at mag-ingat sa pakikipag-usap at pagbibigay ng personal na impormasyon sa mga kahina-hinalang social media accounts.

Binigyang-diin din ng OVP na ang lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng kanilang tanggapan ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng mga opisyal na channel, kabilang ang kanilang opisyal na Facebook page at email.

Paalala ng OVP, agad na i-report ang ano mang kahina-hinalang account at tiyaking sa mga opisyal na platform lamang makipag-ugnayan upang maiwasan ang panloloko.

Facebook Comments