Mga jail facility, umakma sa selebrasyon ng Eid al-Fitr bilang pakikiisa sa mga Muslim PDL

Bilang pakikiisa sa diwa ng Eid al-Fitr, lahat ng mga jail facility sa buong bansa ay nagbigay-daan upang ang ating kapatid na Muslim, kahit sa pagitan ng rehas na bakal ay magawang magkaroon ng malalim na koneksyon sa kanilang pananampalataya.

Ang komunidad sa loob ng mga pasilidad na ito ay tumulong din na mapatibay ang journey of faith na ito.

Sa kasalukuyan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay mayroong 7,453 Muslim PDL sa lahat ng mga facility nito.


Myroon din itong 611 Muslim personnel na tumutulong mag-facilitate ng religious activities at tumitiyak sa pagiral ng cultural sensitivity sa jail management.

Tiniyak ng BJMP na may probisyon ng Iftar, ang evening meal sa gitna ng fasting o pag-aayuno sa buong panahon ng Ramadan.

Ang mga jail facility naman na may mayoryang Muslim Muslim populations ay pinatayuan na mismo ng mosques.

Halimbawa sa Manila City Jail-Male Dormitory, 280 Muslim Persons Deprived of Liberty (PDL) ay binigyan ng sapat na espasyo para sa pagsamba sa pamamagitan ng mosque na nasa loob ng facility, kung saan doon magsasagawa ng daily prayers, religious studies, at spiritual gatherings.

Sa Iligan City Jail-Male Dormitory, ipinagdiwang 98 Muslim PDL ang Eid al-Fitr ng magarbong handa, gaya ng fried chicken at beef rendang, na donasyon mula sa mga generous sponsor.

Facebook Comments