Tumanggap ng school supplies at payong ang mga mag-aaral para sa nalalapit na pagbubukas ng klase at mapagaan ang gastusin ng kanilang mga pamilya sa pagbili ng mga pangunahing gamit sa paaralan.
Ayon sa CHIEMPCO, bahagi ito ng kanilang patuloy at napapanatiling programa ng suporta sa komunidad na isinasagawa katuwang ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan at mga miyembro ng kooperatiba. Kasabay nito, pinalalakas din nito ang ugnayan at pakikipagtulungan sa Department of Education sa pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon.
Binigyang-diin ng mga opisyal na ang simpleng tulong na ito ay naglalayong makatulong sa kampanya ng DepEd upang matiyak ang mas accessible at de-kalidad na batayang edukasyon para sa bawat mag-aaral.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa natanggap na mga donasyon, na malaking tulong upang mahikayat at masuportahan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Patunay ang gawaing ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga organisasyon, kooperatiba, at pamahalaan, mas napapalawak ang mga programang nagbibigay ng positibong epekto sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







