Ang suspek, isang construction worker at residente ng Barangay Bolosan, San Carlos City, ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 57 ng parehong lungsod.
Nahaharap ang akusado sa kasong Theft sa ilalim ng Criminal Case No. SCC-5628 na may petsang Disyembre 1, 2009. Ayon sa korte, itinakda ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado sa halagang P40,000.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa San Carlos City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso bago iharap sa hukuman.
Ayon sa pulisya, ang naturang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang mga indibidwal na may kinahaharap na kaso ay maihaharap sa batas. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






