Sa ilalim ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE), tumanggap ang bawat benepisyaryo ng humigit-kumulang ₱500 kada araw na sahod, na umabot sa ₱10,100 para sa 20 araw na trabaho, kapalit ng kanilang pakikilahok sa paglilinis at paghahanda ng mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase.
Kabilang sa mga nilinis ang mga silid-aralan, pasilidad, at iba pang gawaing pang-kahandaan ng paaralan.
Kaugnay nito, sa Alaminos City, inaasahang lalahok din ang mga benepisyaryo sa Brigada Eskwela, paglilinis ng baybaying-dagat, declogging ng mga daluyan ng tubig, pangangalaga ng bakawan, at iba pang gawaing pangkomunidad.
Ayon sa lokal na pamahalaan, target umano nitong mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga displaced at disadvantaged workers.
Sa kabuuan, libo-libong benepisyaryo sa Region 1 ang nakinabang sa TUPAD at nakilahok sa mga programa tulad ng Brigada Eskwela. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








