Monday, June 1, 2026

“Moisture stress”, apektado ang mahigit P3 billion halaga ng pananim sa 15 lugar sa bansa

Nakararanas ng “moisture stress” o pagkatuyot ang mahigit P3-B na halaga ng pananim sa 15 lugar sa bansa ayon sa Department of Agriculture o DA, kahit wala pang official pronouncement ng El Niño ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, karamihang apektado nito ay ang mga maisan, at sa bandang Luzon.

Sa datos ng PAGASA, kabilang ang, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija at Vizcaya, Quirino, Tarlac at iba pa sa 15 na lugar na nakakaranas ng pagkatuyot.

Dahil dito, nagkasa na ang departamento ng cloud seeding, paglalagay ng solar-powered irrigation systems, pag a-adjust ng planting calendar na angkop sa Habagat, at crop diversification programs para ma-stabiloze ang kita at kabuhayan ng mga magsasaka.

Facebook Comments