Nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga naging sponsors para sa kanilang mahalagang donasyon na makatutulong sa paglilinis at pagsasaayos ng mga paaralan sa lungsod.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga ipinagkaloob na kagamitan at materyales ay makatutulong upang maging mas malinis, mas ligtas, at mas handa ang mga silid-aralan para sa pagpasok ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.
Binigyang-diin din na ang matagumpay na pagpapatupad ng Ligtas Eskwela ay bunga ng pagtutulungan ng pribadong sektor, mga paaralan, mga magulang, mga boluntaryo, at ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napapalakas ang suporta para sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan.
Patuloy namang hinihikayat ng mga opisyal ang iba’t ibang sektor ng komunidad na makibahagi sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga paaralan at matiyak ang maayos na pagkatuto ng bawat mag-aaral. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







